Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Bumaba ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydrometrology Division, bumaba ang water level ng Angat dam na nasa 199.61 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 199.73 meters ngayong ala-6 umaga ng Huwebes (March 19).
Nanatili naman ang water level ng Ipo dam sa 101.00 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.88 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 76.86 meters na antas nito kahapon.
Bahagya rin namang nadagdagan ang water level ng Ambuklao at Magat dams.
Samantalang nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.