US-Canada border isinara na dahill sa COVID-19

Isinara na ng mutual border sa pagitan ng Estados Unidos at ng Canada.

Ito ay hakbang para maiwasan ang lalo pang paglaganap ng sakit na COVID-19.

Ayon kay US President Donald Trump, ang pagsasara ng naturang border ay mutual consent sa pagitan ng Estados Unidos at ng Canada.

Ang closure ay tatagal sa loob ng 30 araw.

Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, hindi na maaring tumawid sa border ang mga biyahero mula Canada.

Samantala, mananatili namang bukas ang US-Mexican border

 

 

Read more...