Dalawang barangay sa Quezon City isinailalim sa extreme enhanced community quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo March 19, 2020 - 06:36 AM

Isinailalim sa extreme enhanced community quarantine ang dalawang barangay sa Quezon City dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ito ay ang Barangay Tandang Sora at Barangay Kalusugan.

Ang dalawang barangay ay mayroong tig-3 kaso ng COVID-19.

Mas hihigpitan ang seguridad sa dalawang barangay upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit sa mga kalapit ntong lugar.

“This way, we will help prevent the spread of the virus to nearby areas and keep other parts of the community safe,” ayon kay Belmonte.

Noong Miyerkules ng gabi ay umabot na sa 29 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. (END)

Excerpt: Isinailalim sa enhanced community quarantine ang Barangay Tandang Sora at Barangay Kalusugan.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, kalusugan, Luzon, PH news, Philippine breaking news, quezon city, tagalog news website, Tandang Sora, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, kalusugan, Luzon, PH news, Philippine breaking news, quezon city, tagalog news website, Tandang Sora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.