Malakas na lindol tumama sa Utah

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang north-central Utah.

Ayon sa Utah Emergency Management, ito na ang pinakamalakas na pagyanig na tumama sa Utah simula noong 1992 kung saan naganap ang magnitude 5.9 na lindol.

Dahil sa malakas na lindol ay inilikas ang mga nasa loob ng isang oil refinery.

Nagkaproblema din ang hotline na ginagamit para sa COVID-19.

Wala namang iniuulat na pinsala bunsod ng naturang lindol.

Read more...