DFA, kinumpirma na isang Pinoy ang nag-positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan March 18, 2020 - 08:16 PM

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino ang nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Athens, Greece.

Ayon sa kagawaran, iniulat ito ng Philippine Embassy sa Athens, Greece.

Sinabi ng DFA na nakakaranas ng mild symptoms ang Filipino at nakasailalim sa home quarantine.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang embahada sa local health authorities sa Greece para matiyak na nabibigyan ng tulong at suporta ang Filipino.

Naibigay na rin anila ang numero ng embahada sa Filipino para sakaling mangailangan ng anumang tulong.

Siniguro rin ng DFA na tinututukan ng embahada ang lagay ng mga Filipino sa Greece.

“The Embassy likewise continues to monitor the situation of all Filipino nationals in Greece and stands ready to provide assistance as needed,” ayon sa DFA.

TAGS: COVID-19, COVID-19 sa Greece, DFA, home quarantine, COVID-19, COVID-19 sa Greece, DFA, home quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.