Mandaluyong City, nakapagtala ng 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19
Nasa sampu ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Mandaluyong City.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (March 18), naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– Highway Hills (3)
– Plainview (1)
– Daang Bakal (1)
– Hulo (1)
– Vergara (1)
– Wackwack (1)
– Mauway (1)
– Addition Hills (1)
Samantala, nasa 12 anila ang persons under investigation habang 260 naman ang persons under monitoring.
Tiniyak ng Mandaluyong City Health Department na mahigpit na tinututukan ang lagay ng mga pasyente.
Stable naman anila ang kondisyon ng mga pasyente at bumubuti na rin ang lagay ng ilan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.