Easterlies, umiiral sa Silangang bahagi ng bansa – PAGASA
Umiiral ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa Silangang bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Loriedin De La Cruz na magdadala ito ng isolated light rains o pulo-pulong pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Inaasahan aniyang magiging bahagyang maulap ang papawirin sa Luzon kabilang ang Metro Manila.
May tsansa aniyang makaranas ng pag-ulan lalo na sa hapon at gabi.
Wala naman aniyang inaasahang mabubuo o papasok na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Wala rin aniyang nakataas na gale warning sa coastal areas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.