Sen Gatchalian, nagbabala na maapektuhan ang anti-COVID19 drive ng water shortage

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na makakadagdag pa sa kinahaharap na mga hamon para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19 kung magkukulang ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Gatchalian, dapat ay tiyakin na ng water concessionaires ang tuluy-tuloy na suplay ng tubig sa mga kabahayan, ospital at pasilidad na pang-medikal.

Pagdidiin ng senador, napakahalaga ng tubig sa paggamot ng mga pasyente, maging sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan.

Una nang inanunsiyo ng National Water Resources Board (NWRB) na makakaranas ng water service interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.

Ito ay dahil nananatiling mababa ang antas ng tubig sa Angat Dam na pinagmumulan ng 96 porsiyento ng tubig na isinusuplay sa Metro Manila.

Paalala ng World Health Organization (WHO), ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang nakakamatay na virus ay ang palaging pagsasabon habang naghuhugas ng mga kamay.

Read more...