Makati LGU, magbibigay ng P2,000 financial assistance sa tricycle drivers sa lungsod
Ipinag-utos ni Makati City Mayor Abigail Binay ang pamamahagi ng P2,000 financial assistance sa mga tricycle driver sa lungsod.
Ayon sa alkalde, layon nitong makatulong sa 5,952 tricycle drivers sa Makati sa unang dalawang linggo ng idineklarang enhanced community quarantine sa Luzon.
Nakikiisa aniya ang pamahalaang lokal ng Makati sa mga tricycle driver na nahihirapang kumita sa panahon ngayon.
“We empathize with the plight of our tricycle drivers who are now unable to earn for the daily subsistence of their own families due to the suspension of public transport operations nationwide,” pahayag ni Binay.
Ipagbibigay-alam aniya sa tricycle drivers ang mekanismo ng pamamahagi ng financial assistance.
Muli namang hinikayat ng alkalde ang mga residente ng Makati na manatili na muna sa bahay at makipagtulungan sa gobyerno para malabanan ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.