Bawas-singil ng telcos, iginiit sa gitna ng enhanced community quarantine
Hinimok ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez ang mga telocommunication company na bawasan ang kanilang singil sa mga serbisyo.
Ayon kay Rodriguez, marami na ngayon ang “work from home” na lamang simula nang ipatupad ang social distancing bunsod na rin ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Dahil dito, malakas ngayon ang pagkunsumo ng mga subscriber ng tawag at paggamit ng internet o online platforms para magawa ang mga trabaho habang nasa kanilang mga tahanan.
Giit ni Rodriguez, dapat magbawas na ng singil sa tawag, texts at data o broadband Internet ang PLDT-Smart at Globe Telecom bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibilities sa gitna na rin ng kinakaharap na public health emergency dahil sa COVID-19.
Hinimok ng mambabatas na ang rate reduction sa singil ng mga telcos ay dapat tumagal ng 30 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.