Lalaking iniyabang na hindi siya tinatablan ng COVID-19 inaresto

By Jan Escosio March 18, 2020 - 02:28 PM

Isang 41-anyos na lalaki na naniniwalang hindi siya tatalaban ng Coronavirus Disease o COVID-19 ang hindi naman umubra sa mga opisyal ng barangay sa Caloocan City.

Bukod kay Ronaldo Rio, inaresto din ang kasama nitong si Mary Rose Raguindin, 18-anyos.

Sa ulat, 3:00, Martes ng hapon (March 17), nang lumapit si Rio sa grupo nina Barangay 68 Punong Barangay Romeo Giron na pinag-uusapan ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa 12th Avenue.

Ayon kay Giron, bigla na lang silang sinigawan ni Rio ng, “ kalokohan ‘yang ginagawa ninyo! Matanda na ako hindi na ako tinatablan niyang mga virus, virus na yan!”

Agad din sinuntok ni Rio si Giron nang awatin siya nito at naawat lang ang suspek nang dumating ang mga barangay tanod.

Pormal nang inireklamo ni Giron si Rio ng disobedience to person in authority at direct assault bukod pa sa paglabag sa Republic Act 11322 kaugnay sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

TAGS: COVID-19, direct assault, disobedience to person in authority, enhanced community quarantine, NCRPO, Republic Act 11322, Ronaldo Rio, COVID-19, direct assault, disobedience to person in authority, enhanced community quarantine, NCRPO, Republic Act 11322, Ronaldo Rio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.