Saging hindi gamot sa COVID-19

By Chona Yu March 18, 2020 - 02:28 PM

Photo grab from PCOO Facebook live video

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang scientific basis na nakagagamot sa Coronavirus Disease o COVID-19 ang pagkain ng saging.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Rosette Vergeire na bagamat maganda sa katawan, wala pang konkretong ebidensya na magiging proteksyon ng isang tao ang pagkain ng saging sa COVID-19.

“Wala pa hong ebidensya, wala pang masusing pag-aaral na makapagbibigay ng hard science or ebidensya para sabihin na talagang bananas will prevent the transmission or prevent a person from having COVID-19,” ani Vergeire.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagkain ng saging at pagmumumog ng tubig na may asin ay makatutulong para makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, hanggang ngayon, wala pang gamot sa COVID-19.

Maging ang coconut virgin oil ay masusi pang pinag-aaralan sa Singapore kung makatutulong ito na pang gamot sa COVID-19.

TAGS: COVID-19, doh, Saging, Usec. Rosette Vergeire, COVID-19, doh, Saging, Usec. Rosette Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.