Naka-lockdown ang isang kalye sa Barangay 69, Zone 6, District 1, sa Tondo, Maynila.
Ito ay ang Hernandez Street kung saan hindi na nagpapapasok ng ibang tao.
Ayon kay Chairman Edgar Tria, dalawang araw nang naka-lockdown ang Hernandez street dahil dito nakatira ang isang lalaki na nasa Manila Doctors Hospital at sinusuri dahil sintomas ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Ang misis ng pasyente ang nagsabi na nasa ospital pa rin ang asawa nito, at patuloy na inoobserbahan.
Sa buong building kung saan nakatira ang lalaki, nasa walong pamilya o higit 40 na indibidwal ang naka-self quarantine.
Ang iba mga residente sa kalye Hernandez, naka-home quarantine.
Ang gate ng kalye ay naka-lock na, at walang ibang maaaring makapasok maliban sa health workers at mga pulis.
May nagrarasyon naman ng pagkain para sa mga apektadong residente.
Ayon kay Chairman Tria, ang lockdown ay preventive measure laban sa posibleng paglawak pa ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.