Mga mangingisda, hinimok ng PCG na dumaan muna sa checkpoints pagkatapos mangisda
Hinimok ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng mangingisda na dumaan muna sa mga itinalagang checkpoint pagkatapos mangisda at bago dumaong sa mga pier.
Ayon sa PCG, ito ay para matiyak na ligtas sila at ang kani-kanilang pamilya laban sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Maliban din, nagbabala rin ang ahensya sa mga mangingisda na huwag magsakay ng mga bangkero papunta sa iba’t ibang lalawigan.
Sinumang lumabag anila sa kautusan ay huhulihin at pagbabayarin ng multa.
Samantala, mahigpit pa ring ipimatutupad ang “No Sail Policy” sa buong Luzon, lalo na sa Batangas Port at Matnog Port sa Sorsogon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.