P4M halaga ng shabu nakumpiska sa Taguig checkpoint
Nagkamali ng akala ang isang lalaki na mapapadali ang pagbiyahe niya ng P4 milyon halaga ng shabu sa Taguig City.
Naharang sa checkpoint sa Maharlika Road kanto ng A. Bonifacio Avenue sa Barangay Upper Bicutan, alas-3:00 madaling araw ng Miyerkules (March 18) si Gilberto Lagunzad, 29, ng Barangay Balibago sa Angeles City.
Sinabi ni NCRPO Director Debold Sinas ang mga tauhan nila ay nagpapatupad ng Oplan Bandillo sa checkpoint.
Nakuha kay Lagunzad, na tubong Tacloban City, ang 12 piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4 milyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Lagunzad.
Sinabi ni Sinas kahit abala sila sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine patuloy ang kanilang anti-criminality drive dahil sa posibleng pagsasamantala ng mga kriminal sa kasalukuyang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.