P3.7M halaga ng ecstasy idineklarang kape buking sa Customs-NAIA
Nabingwit ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA ang lalaki nang sinubukan nitong kuhanin ang package na naglalaman ng higit P3.745 milyong halaga ng party drugs.
Dumating ang kontrabando sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City at ito ay nagmula sa Utrecht, Netherlands.
Sa ulat, idineklara ang mga droga na ” Gondoliere Coffee (Arabica).”
Ngunit nang suriin ang coffee packagings ay nadiskubre ang 2,203 ecstasy tablets.
Hinintay lang ng mga operatiba na may kumuha ng package at sumulpot si Rex Andrade, ng Quezon City.
Kinumpiska na rin ang mga droga para gamitin ebidensiya sa pagsasampa ng mga kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.