Tax filing extension inihirit ni Sen. Sotto sa DOF
Nagkausap na sina Senate President Vicente Sotto III at Finance Secretary Carlos Dominguez hinggil sa extension ng tax filing.
Ayon kay Sotto, nangako sa kanya si Dominguez na agad pag-aaralan ang mungkahi.
Sinabi rin aniya sa kanya ni Dominguez na agad siyang magpapatawag ng pulong para pag-usapan ang pagpapalawig ng pagbabayad ng buwis.
Ngunit sa mga naglalabasang ulat, iginigiit ng Bureau of Internal Revenue na kailangan makapagbayad ng buwis hanggang Abril 15 dahil kailangan ng gobyerno ng pondo.
Samantala, ilang senador na rin ang humihirit ng ‘tax filing extension.’
Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, base sa Tax Code may kapangyarihan ang namumuno sa BIR na magpatupad ng extension kung may konkretong basehan.
Sinabi naman ni Sen. Christopher Go na sa panahon ngayon pagpapakita ng malasakit ang pagpapalawig ng pagbabayad ng buwis.
Isang buwan na palugit ang nais ni Go sa pagbabayad ng mga buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.