Lingig, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 22 kilometers Southeast ng bayan ng Lingig, alas-7:40 umaga ng Miyerkules (March 18)

May lalim na 65 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...