No Sail Zone Policy epektibo na sa buong Luzon ayon sa PCG

Simula ngayong araw, Marso 18 ay paiiralin na ng Philippine Coast Guard (PCG) na“No Sail Zone Policy” sa buong Luzon.

Sa pinalabas na advisory ng PCG, hindi kasali sa mga pagbabawalan na makapaglayag ang mga cargo, fishing at mga barko ng pamahalaan.

Ang mga tripulante ng mga cargo vessel ay papayagan din na makalabas sa barko upang pangasiwaan ang ship operation na hindi lalagpas sa 50 metro mula sa barko, alinsunod sa itinatakda ng Philippine Ports Authority (PPA).

Magpapalabas din ngayon ng notice to ship operators para sa mga guidelines.

Inatasan na rin ang lahat ng PCG districts commander patungkol sa polisiya.

Read more...