Bangued Municipal government nagsasagawa ng contact tracing sa mga pasahero ng bus na nakasabay ng isang COVID-19 patient

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2020 - 09:25 AM

Nagsasagawa ngayon ng contact tracing ang munisipalidad ng Bangued, Abra sa mga pasahero ng bus na nakasabay ng unang kaso ng COVID-19 sa bayan.

Ayon sa abiso ng Bangued Municipal Office, lahat ng naging pasahero ng Partas Bus na may Bus No. 83918 at patungo ng Pasay noong March 10, 2020 ay dapat makipag-ugnayan sa munisipyo.

Sakay kasi ng naturang biyahe ng bus ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Maaring tumawag sa Bangued COVID-19 Task Force sa pamamagitan ng sumusunod na numero:

Bangued RHU: 0916-288-1681
MDRRMC: 0965-721-2698
Bangued PNP: 0927-377-1915

Pwede ring mag-report sa mga barangay na nakasasakop sa kanila.

TAGS: Abra, Bangued, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, Abra, Bangued, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.