Lahat ng visa appointments suspendido na ayon sa US Embassy sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2020 - 08:59 AM

Sinuspinde na ng US Embassy sa Maynila ang lahat ng visa appointments.

Ito ay kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Sa abiso ng embahada, hindi na kailangan pang magpunta sa US Embassy ng lahat ng may nakatakdang appointments.

Pinayuhan ang lahat ng visa applicants na palagiang bantayan ang kanilang e-mail address para sa updates.

Mayroon ding limitadong staff na mananatiling nagtatrabaho sa American Citizen Services Unit para tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan na nasa bansa.

Kung ang isang US citizen ay may mahalagang kailangan sa embahada maaring mag-email sa [email protected]

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, US Embassy, visa applicants, visa appointments, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, US Embassy, visa applicants, visa appointments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.