P5M halaga ng protective gear ibinigay ng Party-list coalition para sa COVID-19 frontliners
Nasa sa P5 milyon halaga ng protective gear ang ipinagkaloob ng Party-list Coalition Foundation para sa mga frontliner at mga ospital sa Metro Manila at iba pang probinsyang apektado ng COVID-19.
Ayon sa mga kinatawan ng Partylist, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng online conferences ng mga miyembro ng koalisyon.
Kabilang sa ipinamahagi ng grupo ang 150,000 piraso ng face masks; 1,300 piraso ng goggles; 40,000 piraso ng gloves at 1,300 piraso ng protective personal equipment o PPE.
Ipamamahagi ang mga ito sa Philippine General Hospital (PGH), Philippine Heart Center, Lung Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), San Lazaro Hospital, East Avenue Medical Center, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Rizal Medical Pasig, Pasig General Hospital, Ospital ng Maynila, Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Bicol Medical Center, Quezon Medical Center.
Gayundin sa Fabella Hospital, Lingad Hospital, UST, Region 1 Medical Center, San Juan Medical Center, QCGH, Jose Rodriguez Memorial Hospital, Jose Reyes at maging sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ang matitirang pondo anila ay irereserba para sa testing kits kapag meron nang available na mabibilhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.