Mga branch ng Landbank sa NCR, Luzon mananatiling bukas

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2020 - 08:34 AM

Mananatiling bukas ang lahat ng sangay ng Landbank sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa abiso ng Landbank, sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay bukas ang kanilang mga branch mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

Lahat din ng branch ng Landbank sa Visayas at Mindanao ay bukas sa nasabing mga oras maliban lamang sa mga lugar na may deklarasyon ng holiday.

Tiniyak din ng bangko na ang kanilang ATMs at iba pang electronic banking channels gaya ng Landbank Mobile Banking App, iAccess, WeAccess, Link.BizPortal, Electronic Tax Payment System at Phone Access ay maaring magamit ng publiko.

TAGS: bank, banking, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Landbank, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, transactions, bank, banking, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Landbank, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, transactions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.