Debut ng pelikulang Black Widow ipinagpaliban

Dahil sa paglaganap ng sakit na COVID-19 nagpasya ang Walt Disney Co na ipagpaliban muna ang debut ng peikulang Black Widow.

Ayon sa Disney, maglalabas na lamang sila ng abiso kung kailan ang magiging bagong debut date ng pelikula.

Ipinagpaliban na din ng Disney ang debut ng mga pelikulang The Personal Histories of David Copperfield at ng The Woman in the Window.

Una dito ay pinagpaliban na rin ang debut ng pelikulang Mulan.

Dapat ay ipalalabas na sa March 27 ang Mulan sa North American theaters.

Read more...