Operasyon ng paliparan hindi na sususpindihin ayon sa DOTr
Kahit matapos ang 72-hour window mula nang ideklara ang enhanced community quarantine ay nagkasundo ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force na hindi na suspindihin ang operasyon ng paliparan.
Sa pulong na isinagawa kahapon, napagkasunduang panatilihin ang operasyon ng airports para sa international flights.
Lahat ng pasahero anuman ang lahi maliban lamang sa mga turistang Filipino ay maaring makabiyahe palabas ng bansa.
Ang mga inbound international passengers ay papayagan ding makapasok sa bansa pero sasailalim sila sa istriktong immigration at quarantine protocols.
Sa mga pasahero naman muna sa Italy at Iran, napagkasunduan na kailangan silang magpakita ng medical certificates of good health na validated ng kani-kanilang embahada.
Ang sweeper flights para sa mga dayuhan ay papayagan din.
Isa lamang ang papayagang maghatid sa bawat pasahero sa paliparan.
Kailangan din na pagdating ng paliparan ay agad aalis ang maghahatid sa sandaling maibaba na na niya ang pasahero sa departure area.
Ang driver na maghahatid sa pasahero ay dapat may kopya ng airline ticket ng kaniyang pasaherong inihatid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.