Water level ng Angat dam nanatili sa 199.73 meters

Walang pagbabago sa antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, March 18 ay nasa 199.73 meters ang water level ng Angat.

Malayo na ito sa 212-meters na normal high water level ng dam.

Bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.86 meters.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam na nasa 101 meters.

Pawang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa Ambuklao dam na walang pagbabago at nanatili sa 748.18 meters.

Read more...