DOTr nagtalaga ng sampung bus para maghatid ng health workers sa mga ospital

Magtatalaga ng mga bus ang Department of Transportation (DOTr) para libreng masakyan ng health workers ngayong nakasailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang road sector agencies sa ilalim ng DOTr na mag-deploy ng mga bus.

Simula alas 7:00 ng umaga ngayong araw, March 18 sampung bus ang ipakakalat sa sa dalawang pick-up points: ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), at sa FCT East Metro Transport Terminal sa Marikina City.

Narito ang ruta ng mga bus:

Route 1: (PITX – Quezon City General Hospital via Makati/Pasig)
PITX
Makati Medical Center
St. Lukes Medical Center – BGC
Rizal Medical Center
The Medical City – Ortigas
East Avenue Medical Center
Philippine Heart Center
Lung Center of the Philippines
Quezon City General Hospital

Route 2: (PITX – San Lazaro / Chinese General Hospital via Manila/Taft)
PITX
Pasay City General Hospital
Adventist Medical Center Manila
Philippine General Hospital
Jose Reyes Memorial Medical Center
Manila Doctors Hospital
University of Sto. Tomas Hospital
San Lazaro Hospital
Jose R. Reyes Memorial Medical Center
Chinese General Hospital and Medical Center

Route 3: (BFCT – San Lazaro Hospital via East Ave/E. Rodriguez)
BFCT
Quirino Memorial Medical Center
East Avenue Medical Center
Philippine Heart Center
Lung Center of the Philippines
Providence Hospital
Capitol Medical Center
St. Lukes Medical Center – East Ave.
University of Sto. Tomas Hospital
San Lazaro Hospital

Maari pang mabago ang ruta depende sa datos na ibibigay ng Department of Health (DOH) sa pangangailangan ng health workers.

Tiniyak din ng DOTr na ang mga bus service ay susunod sa DOH containment protocols gaya ng pagpapatupad ng social distancing, pagcheck ng body temperature, at regular na pag-disinfect ng mga sasakyan.

Read more...