outbrain

4 na manlalaro ng Brooklyn Nets kabilang si Kevin Durant, positibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2020 - 06:37 AM

Nagpositibo sa sakit na COVID-19 si Kevin Durant at tatlong iba pang manlalaro ng Brooklyn Nets.

Hindi inilabas ng koponan ang pangalan ng apat nilang manlalaro na nagpositibo sa COVID-19 pero si Kevin Durant ay kinumpirma na ito sa isang panayam.

Hinimok ni Durant ang lahat na maging maingat at sundin ang quarantine protocol.

Naka-quarantine na ngayon ang apat na NBA players.

Isa lamang sa kanila ang nakararanas ng sintomas habang si Durant at ang dalawang iba pa ay pawang walang naranasang sintomas ng sakit.

Hinimok din ng koponan ang mga nagkaroon ng contact sa apat na manlalaro na makipag-ugnayan sa health authorities

Sa ngayon pitong manlalaro na ng NBA ang positibo sa COVID-19.

Una nang nagpositibo ang mga manlalaro ng Utah Jazz na sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell at ang manlalaro ng Detroit Pistons na si Christian Wood.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Kevin Durant, Luzon, NBA, PH news, Philippine breaking news, positive for covid-19, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Kevin Durant, Luzon, NBA, PH news, Philippine breaking news, positive for covid-19, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.