DOH official nagpositibo sa COVID-19

Isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ng DOH na ang opisyal ay isang director sa ahensya.

Itinanggi rin ng DOH ang mga balitang kumakalat na mayroong miyembro ng DOH Executive Committee na nagpositibo sa COVID-19.

Kasabay nito, siniguro ng DOH sa kanilang mga tauhan ang kaligtasan ng mga ito.

Nakapagsagawa na ng disinfection at nasabihan na rin ang lahat ng naging close contacts ng opisyal na sila ay mag-home quarantine.

Read more...