Filipino na tinamaan ng COVID-19 sa Singapore umabot na sa 11
Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga Pinoy sa Singapore na apektado ng COVID-19.
Sa inilabas na datos ng Singaporean Ministry of Health kabilang ang mga Filipino sa naitala nilang mga bagong tinamaan ng sakit.
Ang Case number 256 sa Singapore ay isang 32 anyos na Pinay na walang travel history sa ibang mga bansa.
Pero nagkaroon siya ng exposure kay Case number 205 na isa ring Pinay at nagpositibo sa sakit matapos bumiyahe sa Pilipinas noong February 27 hanggang March 6.
Ayon pa sa datos ng MOH ang Case number 211 ay isang 35 anyos na Pinay din.
Siya ay holder ng Singapore Long Term Visit Pass at wala siyang travel history.
Pero nagkaroon siya ng exposure sa 26 anyos na Singaporean na lalaki na nauna nang nagpositibo sa sakit.
Sa mga Filipino sa Singapore na tinamaan ng COVID-19, mayroon nang dalawa na naka-recover.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.