Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na maaantala ang delivery ng mga pasaporte dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon sa DFA, magkakaroon ng delay sa produksyon, delivery at availability ng passports sa lahat ng Consular Offices ng DFA sa buong bansa.
Ito ay hangga’t hindi nagiging normal ang sitwasyon.
Una nang inanunsyo ng DFA na kanselado ang kanilang consular services sa buong Luzon, at may mga kinansela na ring operasyon sa ilang bahagi ng Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.