Iiral ang enhanced community quarantine sa Zamboanga City sa March 20, ala-1:00 ng madaling araw.
Sa ilalim ng enhanced community quarantine sinabi ni Mayor Beng Climaco na iiral ang mga sumusunod:
• Ang tanging magbubukas na establsyimento ay ang mga nagbibigay ng basic necessities gaya ng palengke, supermarkets, groceries, convenience stores, bakeries, hospitals, medical clinics, pharmacies at drug stores, food preparation at delivery services, water -refilling stations, manufacturing at processing plants ng basic food products at gamot, agricultural and fishery products, bangko, money transfer services, power, energy, fuel, water at telecommunications supplies
• Suspendido ang klase at school activities sa lahat ng antas
• Suspendido ang lahat ng mass gatherings
• Suspendido ang lahat ng religious gatherings
• Iiral ang work from home arrangement maliban lang sa PNP, AFP, health and emergency frontline services, border control, financial institutions, power/water/telecom utilities at iba pang critical services
• Striktong ipatutupad ang home quarantine sa mga mamamayan; limitado lang ang pagkilos sa pag-access sa basic necessities; kailangan din ang heightened presence ng uniform personnel
• Available dapat ang funeral services
• Ang movement ng cargoes mula at patungong Zamboanga City ay hindi dapat maapektuhan
• Ipatutupad ang city – wide curfew mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga
• Papayagan ang land, air ar sea travel ng uniformed personnel, Government Officers at miyembro ng TF COVID – 19 lalo na ang mga nagbibiyahe ng medical supplies, laboratory specimens na may kaugnayan sa COVID-19, at iba pang humanitarian assistance