COVID-19 hotlines inilunsad ng DOH

By Mary Rose Cabrales March 18, 2020 - 05:06 AM

Naglunsad ng na emergency hotlines ang Department of Health (DOH) kaugnay sa nakamamatay at lumalaganap na virus na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga nakararanas ng sintomas ng COVID-19, mga nais humingi ng medical assistance kaugnay sa virus at mga nagkaroon ng exposure sa mga patients under investigation (PUI) sa mga numerong 02-894-COVID (02-894-26843) at 1555.

Ang mga nakalap na impormasyon ay agad na ipapasa sa COVID-19 Emergency Operations Center at iba pang sangay ng gobyerno upang agad na mabigyan ng medical assistance para mapigilan ang pagkalat pa ang virus sa ating bansa.

Ang emergency hotlines ay naging posible sa pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga pampubliko at pribadong sektor tulad ng National Emergency Hotline ng Department of Interior and Local Government (DILG), PLDT at Smart Communications Inc.

Inaasahang marami ang makikipag-ugnayan sa mga inilunsad na holine numbers kung kaya’t nananawagan ng kooperasyon at mahabang pasensya ang DOH sa publiko upang agad mabigyan ng medical assistance ang mga nangangailangan nating mga kababayan.

24/7 maaring makipag-ugnayan sa 02-894-COVID hotline at ito ay libre.

Ang 1555 hotline naman ay maari ring magamit ng libre ng mga subscribers ng PLDT at Smart at kapag naayos na ang mga isinasagawang tecnical adjustments ay maari na rin itong magamit ng libre ng mga subscribers ng iba pang networks.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, covid-hotlines, DILG, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, covid-hotlines, DILG, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.