Pagproseso ng NBI clearance, suspendido muna

By Angellic Jordan March 17, 2020 - 10:48 PM

Pansamantalang sinuspinde ang pagproseso ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance bunsod ng deklarasyon ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa abiso, sinabi ng NBI na suspendido muna ang clearance processing operations sa buong bansa.

Epektibo ito mula 12:01, Miyerkules ng madaling-araw (March 18) hanggang 12:00 ng madaling-araw ng April 13.

Paliwanag ng NBI, nananatiling prayoridad ng kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Magbabalik-normal naman ang operasyon sa April 13 o oras na maialis ang quarantine sa Luzon.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, NBI Clearance, COVID-19, enhanced community quarantine, NBI Clearance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.