Baliwag, Bulacan Mayor Estrella positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan March 17, 2020 - 09:40 PM

Google maps

Nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) si Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng alkalde na nakumpirmang positibo siya sa sakit matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Nagsimula aniya siyang makaranas ng panghihina ng katawan at sipon noong nakaraang linggo.

Dahil dito, agad aniya siyang nagpakonsulta sa doktor.

Sinabi ng alkalde na March 17 nang lumabas ang resulta ng pagsusuri ng RITM.

Sa kabila nito, tiniyak ni Estrella na patuloy niyang tututukan ang sitwasyon sa bayan ng Baliwag.

Sinabi naman nito na maayos ang kanyang kalagayan at umaasa itong makakalabas na rin ng pagamutan sa mga susunod na araw.

Pinaalalahanan din nito ang mga residente ng Baliwag na manatii na lamang sa kani-kanilang tahanan dahil ito aniya ang pinakaligtas na lugar para hindi mahawa ng virus.

TAGS: baliwag, Bulacan, COVID-19, Mayor Ferdie Estrella, baliwag, Bulacan, COVID-19, Mayor Ferdie Estrella

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.