Hubert Webb, ikinasal na

By Isa Avendaño-Umali February 07, 2016 - 08:48 AM

Photo grab mula sa Instagram account ni Pinky Webb
Photo grab mula sa Instagram account ni Pinky Webb

Kinasal na si Hubert Webb sa kanyang fiancée na nakilala niya noong siyang nakakulong sa New Bilibid Prisons o NBP.

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Webb at kasintahan nito sa St. Andrew Cathedral sa Paranaque City kahapon ng Sabado.

Na-engage sina Webb at girlfriend nito noong 2014.

Si Hubert, isa sa mga anak ni dating Senador Freddie Webb, ay pangunahing nasentensiyahan sa kontrobersyal na kaso na Vizconde massacre.

June 30, 1991, nang mangyari ang pagpaslang sa mag-iinang sina Estrellita; na nagtamo ng labing tatlong saksak sa katawan; Carmela, na ginahasa na at labing pitong beses na pinagsasaksak; at Jennifer, mayroong labing siyam na stab wounds.

Labinglimang taong nakulong si Webb sa Bilibid, at noong December 2010, siya at iba pang co-accused ay na-acquit matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema.

 

TAGS: HUbert Webb, HUbert Webb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.