Nasa lima na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Health Department, lima na ang COVID-19 case sa lungsod hanggang 5:00, Martes ng hapon (March 17).
Ayon naman sa Manila Public Information Office, tuluy-tuloy pa rin ang pag-disinfect ng Department of Public Services-Quick Response Team (DPS-QRT) sa iba’t ibang simbahan.
Bahagi pa rin ito ng hakbang ng pamahalaang lokal ng Maynila para maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 187 na ang COVID-19 cases sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.