Makati LGU may mga shuttle bus para sa medical personnel

Sinimulan na ng pamahalaang-lungsod ng Makati ang pagtatalaga ng mga shuttle bus para magamit na transportasyon ng mga medical personnel ng Ospital ng Makati.

Sinabi ni Mayor Abby Binay ito ay para matiyak ang patuloy na operasyon ng kanilang ospital sa kabila nang limitadong pagbiyahe bunga ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Aniya, ang shuttle buses ay itatalaga sa LRT – Buendia, Puregold Makati at Waterfun – C5 para maghatid ng mga doktor, nurse at health personnel patungong Ospital ng Makati at ito rin ang kanilang masasakyan pauwi.

Kasabay nito, patuloy ang pagsasagawa ng disinfection ng mga tauhan ng City Health Department sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, sa mga barangay at pampublikong lugar.

Noong Pebrero, inilagay na ni Binay sa ‘high alert status’ ang mga tauhan ng MHD kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) ng global health emergency dahil sa COVID-19.

Read more...