Buong bansa, isinailalim na ni Pangulong Duterte sa state of calamity
Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Pilipinas.
Kasunod pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa ilalim ng Proclamation no. 929, idineklara ng pangulo ang pagsailalim ng buong bansa sa state of calamity sa loob ng anim na buwan.
Pero maaari itong mapaiksi o mapalawig pa depende sa sitwasyon.
“There is hereby declared a State of Calamity throughout the Philippines for a period of six (6) months, unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” nakasaad pa sa Proclamation no. 929.
Nilagdaan ng pangulo ang proklamasyon noong Lunes, March 16.
Sa ngayon, nasa enhanced community quarantine na ang Luzon.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang March 17, nasa 187 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.