Higit P1-B pondo para sa COVID-19 adjustment measures program, ipapalabas na
Magandang balita sa ating mga manggagawang nangangamba sa sitwasyon ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong isla ng Luzon.
Magpapalabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng aabot sa P1.3 bilyong tulong sa ilalim ng COVID-19 adjustment measures program upang maaayudahan ang aabot sa 250,000 manggagawang apektado ng sitwasyon.
Bahagi ito ng paunang ayuda para sa financial assistance sa mga manggagawang nasa quarantine area na hindi na makapasok sa kanilang trabaho.
Bukod sa nasabing halaga, maglalabas na din ng kabuuang
P180 milyon ang kagawaran para sa emergency employent program sa ilalim naman ng Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Workers o TUPAD para naman sa 16,000 na manggagawang nasa informal sector.
Ang inisyal na alokasyon naman para sa TUPAD ay ibabayad sa mga trabaho sa paglilinis ng mga komunidad sa barangay.
Muli namang umapela si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na tulungan ang mga pinansyal na pangangailangan ng kanilang mga empleyado sa ganitong panahon ng pangangailangan.
Umapela naman ang kalihim sa mga manggagawa ng kooperasyon sa gobyerno at sa kanilang mga employer para pagtulungang labanan at pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.