P10,000 para sa bawat manggagawang apektado ng enhanced community quarantine, iginiit
Nanawagan si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa administrasyong Duterte na gawing balanse at sensitive sa sitwasyon ng mga tao lalo na ng mahihirap ang ipinatutupad na ‘enhanced community quarantine’ sa buong Luzon.
Sentimyento ni Zarate, ipinasa ng gobyerno sa local government units ang responsibilidad para magamit ang kanilang calamity at quick reaction funds nang hindi malinaw ang mekanismo para sa food assistance.
Kinansela rin anya ang mass transportation pero walang plano para sa PUV drivers o kung anong sasakyan ng mga papasok na skeletal forces.
Bagama’t umapela ng malasakit sa pribadong sektor, wala rin aniyang malinaw na plano kung paanong bibigyan ng allowances o ayuda ang mga apektadong daily wage earners at kanilang pamilya.
Kaya naman hirit ni Zarate sa pamahalaan, bigyan ng agarang tulong na P10,000 ang mga manggagawang apektado ng lockdown
Pakiusap rin nito, huwag namang gulangan pa ang hirap nang mga empleyado.
Binigyang diin nito na unfair ang panukalang ibigay na ang 13th month pay dahil benepisyo ito ng mga empleyado na itinatakda ng batas kaya ang economic package na ayuda sa kanila ay dapat manggaling sa mga kumpanya o sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.