MDRRMO binalaan ang publiko sa mga nagpapapanggap para magsagawa ng sanitization sa mga bahay-bahay

Nagbabala ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa publiko na mag-ingat sa mga nagpapanggap na grupo ng sanitization na umano’y ipinadala ng pamahalaan.

Sa babala ng MDRRMO, walang inaatasang grupo ang pamahalaang lungsod upang magsagawa ng sanitation sa loob ng mga bahay.

Paalala pa ng MDRRMO, mag-ingat at maging alerto.

Pinaalalahanan din ang publiko na huwag basta magbukas ng pintuan sa mga tao o grupo na nagpapakilalang in-charge na mag-sanitize sa mga bahay dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019.

Ayon sa MDRRMO, nagpapanggap lamang ang mga kriminal upang makapanloko at makapagnakaw sa mga bahay-bahay.

Sa panahon ngayon ayon sa MDRRMO, nanamantala pa rin ang mga kriminal kaya maging vigilante at mapagmatyag sa mga budol gang.

Read more...