Pinabulaanan ni NCRPO Director Debold Sinas ang mga kumakalat na posts sa social media hinggil sa mga insidente ng looting sa mga kabahayan sa Metro Manila kasabay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Ibinahagi ni Sinas na may mga post sa social media hinggil sa modus ng ilang grupo na nag-aalok ng ‘sanitation services’ sa mga kabahayan at pagkatapos ay pagnanakawan nila ang mga nasa bahay.
Idinedeklara diumano ng grupo na awtorisado sila na mag-sanitize para labanan ang COVID-19.
Ayon sa opisyal, fake news ang social media posts ukol sa looting dahil wala pa silang natatangap na sumbong ukol dito kayat wala silang opisyal na ulat.
Paniwala ni Sinas, paraan ito para guluhin ang pagpapatupad nila ng enhanced community quarantine.
Pagtitiyak pa nito, bagamat abala sila sa pagsasagawa ng checkpoints, hindi sila nagpapabaya sa kanilang anti-crime operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.