Delivery ng mga produktong petrolyo, tuluy-tuloy

By Jan Escosio March 17, 2020 - 03:10 PM

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na magtutuluy-tuloy ang transportasyon ng lahat ng uri ng produktong-petrolyo sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon, kasama na ang Metro Manila.

Sa pahayag ng kagawaran, tinukoy na ang lahat ng mga produktong pang-enerhiya ay itinuturing na pangunahing pangangailangan kayat walang dahilan para mahinto ang transportasyon ng mga ito.

Kasama rin na dapat hindi maapektuhan ay ang suplay ng kuryente at kabilang sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force.

Nanawagan ang DOE sa koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na tiyakin na hindi maapektuhan ang pagbibigay serbisyo ng sektor ng enerhiya ngayong kritikal ang sitwasyon.

Idiniin na sa paglaban sa COVID-19, napakahalaga ng produkto at serbisyo pang-enerhiya para sa produksyon at transportasyon ng mga pagkain, komunikasyon at sa pagbibigay ng serbisyong medikal.

TAGS: COVID-19, delivery ng mga produktong petrolyo, DOE, enhanced community quarantine in Luzon, COVID-19, delivery ng mga produktong petrolyo, DOE, enhanced community quarantine in Luzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.