Sinuspinde ng Social Security System (SSS) ang kanilang operasyon sa buong Luzon kabilang ang Metro Manila.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng ahensya na ito ay kasunod ng idineklarang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Epektibo ang suspensyon ng operasyon ng SSS mula March 17.
Sakop nito ang kanilang Main Office, Makati Office, at lahat ng branch sa NCR at Luzon.
“We will make further announcements regarding our operations today in light of the recent developments,” dagdag ng SSS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.