Sen. Pangilinan, pinamamadali ang ayuda dahil sa Luzon-wide quarantine

By Jan Escosio March 17, 2020 - 01:45 PM

Walang nakikitang aberya si Senator Francis Pangilinan para hindi agad maibigay ang tulong sa mga pangangailangan ng mga apektado ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, kasama na ang Metro Manila.

Sinabi ni Pangilinan na sapat ang suplay ng bigas, gulay at iba pang mga produktong agrikultural ng mga lokal na magsasaka.

Aniya, kailangan lang mabili na ng gobyerno ang mga pagkain para hindi masayang dahil sa hirap na pagbiyahe ng mga ito bunga ng lockdown.

Paliwanag ng senador, nakasaad sa Sagip Saka Law na dapat ay direktang bilihin ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang mga ani at huling isda ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA).

Dapat din aniyang tiyakin ng gobyerno ang tuluy-tuloy na suplay ng malinis na tubig, mga gamot at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

TAGS: ayuda, COVID-19, enhanced community quarantine in Luzon, Sen. Kiko Pangilinan, ayuda, COVID-19, enhanced community quarantine in Luzon, Sen. Kiko Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.