Tindero, obredo, mga taga-walis hindi dapat kalimutan sa ipinatutpad na enhanced community quarantine
Umapela si Senator Grace Poe sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infections Disease na huwag kalimutan ang mga manggagawa sa sa informal sector workers sa mga programa para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya.
Sila aniya ang mga walang regular na pinagkakakitaan tulad ng mga nangongolekta ng basura, nagbebenta ng taho at fishball, tricycle at jeepney drivers, street-sweepers at construction workers.
Ayon kay Poe ang mga ito ang talagang tinatamaan ng enhanced community quarantine at dahil wala silang trabaho o pinagkakakitaan ay magugutom ang kanilang pamilya.
Binanggit nito ang datos mula sa Philippine Statistics Authority, sa ngayon may 650,000 sa ating mga kababayan ang kakarampot ang kita ngunit umaabot sa P5 trilyon ang kanilang ambag sa ekonomiya.
Dagdag pa ni Poe dapat ang mga ito ay prayoridad sa food packs at relief assistance na ibibigay ng gobyerno ngayon halos nakahinto ang mundo ng marami sa mga taga-Luzon, lalo na sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.