Sen. Nancy Binay negatibo sa COVID-19

By Jan Escosio March 17, 2020 - 12:39 PM

Senate PRIB photo
Ipinarating na rin kay Senator Nancy Binay ni Health Secretary Francisco Duque na negatibo ito sa COVID 19 base sa resulta ng kanyang test.

Sa inilabas na pahayag ni Binay, sinabi nito na pinasasalamatan niya ang nagpadala sa kanyang ng mensahe ng pag-aalala at pagsuporta, maging ang mga nagdasal.

Ayon kay Binay, sa kabila ng resulta, itutuloy pa rin niya ang 14-day self quarantine.

“Hindi pa po tapos ang laban natin kontra sa COVID-19, and we don’t want to have a false sense of security, kung kaya hinihikayat pa rin natin ang lahat na huwag na munang lumabas sa kanilang mga bahay, mag practice ng social distancing, at ugaliing maghugas ng kamay for 20 seconds,” paala ng senadora.

Diin nito, seryoso ang banta ng COVID 19 kayat kailangan ang ibayong pag-iingat sa sarili para sa kapakanan ng pamilya at ng kapwa.

Ayon pa kay Binay sa awa ng Dakilang Lumikha ay malalagpasan ng sambayanang Filipino ang sitwasyon ngayon na dala ng nakakamatay na sakit.

TAGS: covid test, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, Nancy Binay, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, covid test, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, Nancy Binay, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.