Sa Panginoon kumakapit ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte pra mailigtas ang sambayanan sa COVID-19.
Sa public address, hinihimok ng Pangulo ang publiko na sama-samang manalangin.
Ayon sa pangulo, dapat ding ipanalangin ang kaligtasan ng mga doktor, nurse at iba pang health workers na frontliner sa paglaban sa COVID-19.
“I solemnly urge everyone to pray to the Almighty God, who has the power to defeat every enemy, visible or invisible. Pray for all doctors and health professionals and workers, pray for your government, pray for the country,” pahayag ng pangulo.
Kahit na ano pang hakbang ang gawin ng pamahalaan at ng taong bayan, hindi matatapos ang problema kung walang gabay ng Panginoon.
“Even as we maintain physical distance from each other, let us remain strongly united in spirit to fight this dreaded disease. And with our unity and the blessing of God, we shall overcome,” dagdag pa ng pangulo.
Tatagal ang enhanced community quarantine sa Luzon mula March 16 hanggang April 12.