Sen. Win Gatchalian negatibo sa COVID-19

Tatapusin na ni Senator Sherwin Gatchalian ang kanyang self-quarantine matapos mag-negatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Sa inilabas niyang pahayag, sinabi nito na ang resulta ay ipinarating sa kanya ni Health Sec. Francisco Duque III.

Sa desisyon niyang tapusin ang self-quarantine, ikinatuwiran ng senador na kailangan niyang ganap na ipagpatuloy ang pagta-trabaho dahil marami ang dapat gawin ngayon sa gitna ng patuloy na banta ng nakakamatay na sakit.

Panawagan niya sa publiko na alisin ang takot at magkaisa sa paglaban sa COVID-19.

Hinihikayat niya ang lahat na sumunod na lang sa mga panawagan at paalala ng gobyerno para hindi na kumalat pa ang sakit.

Kasabay nito, pinasalamatan niya ang DOH na agad kumilos para sa kanyang COVID-19 test at aniya labis niyang ikinatutuwa ang resulta.

Read more...